“Matulog ka muna. Mahaba pa ang biyahe.”
Utos nya sa akin. Kasabay noon ay inayos nya ang aking ulo upang makadantay ng maayos sa kanyang mga balikat. Sa aking pwesto ay naamoy ko ang cologne na ginamit nya kanina. Walang kasing bango, nakakagigil.
Maayos naman ang takbo ng bus na aming sinasakyan. Katamtaman din ang lamig ng aircon. Sa haba ng biyahe, talagang masarap matutog pero ayoko.
Ayokong matulog sa oras na ganito. Gusto kong sulitin ang bawat oras at minuto na kasama ko sya, katulad ngayon. Sapagkat hindi ko alam kung kailan ko pa muli sya makikita, makakasama, at mahahagan.
“Hindi ako inaantok.” Pagsisinungaling ko sa kanya.
Magkahawak ang aming mga kamay habang ako’y nakadantay sa kanyang mga balikat. Sa aking pagkakadantay sa kanyang balikat ay naririnig ko ang kanyang bawat paghinga at pintig ng kanyang puso.
Naramdaman kong bahagyang humigpit ang mga hawak nya. Tila ngumisi siya. Alam nyang hindi na nya ako mapilipit. Hindi sya uubra sa kakulitan ko.
Matigas talaga ang aking ulo, sa tingin ko iyon ang nasa isip nya.
Pagkatapos ay naramdaman kong bahagyang inilapit nya ang kanyang mukha sa akin. Malumanay niyang hinagkan ang aking ulo, malapit sa noo.
Alam ng Diyos kung gaano ako kasaya. Alam din ng Diyos ang aking agam-agam at pangangamba. Siguro nga dapat, ineenjoy ko na lang ang mga oras na ito, ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lalo pa’t alam kong magtatapos na ang araw na ito. Na magkakaalyo na ulit kami.
Nakakatakot isipin. Sumisikip ang dibdib ko. Anghirap.
Hindi ko namalayang pumatak na pala ang aking mga luha. Pilit kong kinalma ang sarili ko, huminga ng malalim. At pasimpleng pinunasan ang luha. Ayokong makita nya iyon.
“Bakit? ” Nahuli nya ako. Nakakainis. Wala talaga akong maitatago sa kanya.
“Wala.”
Bahagya akong kumalas sa pagkakadantay sa kanya at tumingin sa ibang direksyon, halatang umiiwas akong sagutin ang tanong niya.
“Bakit nga?”
Tanong niya ng may halong paglalambing, pangungulit at panunuyo. Ramdam kong mas himigpit ang paghawak nya sa kamay ko. Tila nagpipilit na sabihin ko ang gusto nyang malaman.
“Kailan ulit tayo magkikita?”
Sinabi ko iyon habang pinipigilan ang sarili ko. Baka tuluyan na akong lumuha.
Ngumiti siya.
“Malapit na.”
“Kailan nga yun? Matagal pa yun eh. ”
“Basta. Malapit na ulit yun.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na akong napaluha. Siya naman ay yumakap sa akin. Pumikit ako, hindi para pigilan ang pagluha, ngunit upang mas damahin ang sadaling ito – Ang mainit nyang yakap, Ang tunog ng pagkabog ng kanyang dibdib, Ang amoy ng kanyang cologne – lahat ito ay siguradong hahanap-hanapin ko.
Pagkatapos ay tila nagdilim ang paligid. Naiwan akong nakatingin sa kawalan. Pagkatapos ay niyakap ko ng mahigpit ang malaking unan sa aking tabi.
Nagising ako sa paglalakbay-diwa. Naalala ko na naman ang aming huling pamamaalam.
Maroon 5 - Daylight Lyrics (by Yuval Levy)
Women from Iran’s female police force, established in 2003. These ladies undergo a three year training program requiring intensive military courses including judo, fencing, firearm training, and laying mines. They serve alongside their male counterparts, work regular beats, and they do it all in hijab. Respect.
the bottom left picture made my night
can i just direct your attention to the middle right picture
(via meoplelikepeople)
Heike Mutter & Ulrich Genth - Tiger & Turtle (2011) - A walk-along “roller coaster”
HOW THE FUCK DO YOU DO THE LOOP-DE-LOOP
DO YOU HAVE TO RUN AND DO YOUR BEST OR WHAT
What? Do you think we’re sonic the hedgehog or something?
(via fiercegaysian)
(via joseptv)